SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

September 17, 2021 | 12:00am

Angelica balik-comedy series, Inigo pasok sa American series

Ang adaptation ng Korean series na Flower of Evil ang unang project nina Piolo Pascual and Lovi Poe sa ABS-CBN.

Magkasunod na pumirma ng kontrata kahapon si Lovi na pinakabagong Kapamilya at si Piolo na nag-renew ng contract.

Enggrande ang pa-red carpet welcome kay Lovi sa mismong ABS-CBN compound, kung saan sinalubong siya nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal. Dumalo rin sa contract signing ceremony ni Lovi ang talent mana­ger niyang si Leo Dominguez. “Nung unang sinabi nila sa akin na I will be working with Piolo Pascual, I was really excited and talagang sabi ko this is such a dream come true. I’ve been wanting to work with him. But when he walked in kanina bringing me flowers, this was like an actual dream. Nakikita ko si Piolo Pascual palapit sa akin na may dalang bulaklak,” banggit ng aktres kahapon sa ginanap na virtual media conference after niyang pumirma ng kontrata.

Actually, hindi ito ang unang project ni Lovi sa ABS-CBN na kasalukuyang walang franchise dahil bumida na siya sa 2020 iWantTFC  movie na Malaya na nagbigay sa kanya ng Gawad Urian Best Actress nomination.

Bago naman ang contract signing ng actress ay nagpasalamat siya sa GMA 7 kung siya tumagal ng 15 years.

In all fairness kay Lovi maganda ang kanyang message at naging maingat.

Hindi nagsunog ng tulay. “Mananatili sa Puso. Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories.

“Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.

“Punong puno ng pagmamahal at pasasalamat?.”

At sa pagiging Kapamilya niya, isa umano itong bagong kabanata ng kanyang career dahil mas maraming international projects ang gagawin niya.

Ngayong taon, inilunsad ni Lovi ang recording career niya sa US at naglabas ng mga awiting Candy, Lost, at Under sa ilalim ng VIM Entertainment sa Los Angeles. Malapit na rin niyang i-release ang EP niya sa tulong ng American producers na sina Bob Robinson, KrisKeyz, at Grammy winner na si Omen.

Bibida rin siya sa unang Hollywood movie niya kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, ang The Chelsea Cowboy, kung saan gaganap siya bilang ang English singer at icon na si Dana Gillespie.

Kung magkakaroon naman ng chance, gusto niyang gawin ang remake ng action-fantasy film na Ang Panday ng kanyang amang si Da King Fernando Poe Jr.

Kasama naman sa gusto pa niyang makatrabaho sa nilipatang network sina Coco Martin, Gerald Anderson, JM de Guzman, Zanjoe Marudo, and Carlo Aquino.

Sa Kapamilya actresses naman ay sina Anne Curtis, Kim Chiu, Kathryn Bernardo and Liza Soberano.

“Not just men, even like the heartthrob women of ABS-CBN, I would love to work with. I want to work with Anne. I want to work with Kim. I would love to work with Kathryn, Liza. Everyone. I don’t want to leave out anybody ‘coz I want to work with everyone. Now is the time to have us all together,” paliwanag niya pa na Owe My Love ang huling project sa GMA 7.

Ang sabi may counter offer sa GMA si Lovi bago siya naging Kapamilya, pero hindi na nga lang daw guaranteed.

Samantala, aside from Flower of Evil, isang romantic-comedy series din ang pagsasamahan nina Piolo and Angelica Panganiban.

Kasabay ng pa-red carpet sa renewal ng contract ni Papa P sa Kapamilya ang announcement ng anak niyang si Inigo ng inclusion niya sa cast ng upcoming American musical drama Monarch ng Fox.

Ayon sa lumabas na article sa Deadline gagampanan ni Inigo ang character ni Ace Grayson, na adopted son ni Nicolette “Nicky” Roman na gagampanan ng British actress na si Anna Friel.





Source link

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here